Duguan ang limang sundalo matapos silang tambangan ng grupo ng New People’s Army (NPA) sa Pangantucan, Bukidnon, kahapon.

Ayon kay Civil Military Operations officer, Capt. Frank Jo Boral ng Philippine Army (PA), hindi muna isisiwalat ang pagkakakilanlan ng mga sundalo na pawang miyembro ng 1st Special Forces Battalion, upang hindi mangamba ang kani-kanilang pamilya.

Gayunman, tiniyak ni Boral na hindi nila pinababayaan ang mga sundalo at kasalukuyang ginagamot ang mga ito sa ospital.

Pauwi na sana ang grupo mula sa pagbibigay ng basic services nang pagbabarilin ng mga rebeldeng kaanib ng Guerilla Front 68, sa Barangay New Eden.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napilitang sumagupa ang mga sundalo at matapos ang ilang minuto ay umatras ang mga rebelde, ayon pa kay Boral.

Naniniwala naman ang militar na marami ang nasugatan sa hanay ng NPA.

-Fer Taboy