JERUSALEM (Reuters) – Magpapadala ang Israel ng militar nito kapag tinangka ng Iran na harangan ang Bab al-Mandeb strait na nag-uugnay sa Red Sea sa Gulf of Aden, sinabi ni Prime Minister Benjamin Netanyahu nitong Miyerkules.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Saudi Arabia na sinususpinde nito ang oil shipments padaan sa strait, na pangunahing sea route mula Middle East patungong Europe, matapos atakehin ng rebeldeng Houthis sa Yemen na kaalyado ng Iran, ang dalawang barko sa waterway.

Hindi nagbanta ang Iran na harangan ang Bab al-Mandeb ngunit nagsabing haharangan nito ang Strait of Hormuz, sa bunganga ng Gulf, kapag pinigilan itong magluwas ng langis.

“If Iran will try to block the straits of Bab al- Mandeb, I am certain that it will find itself confronting an international coalition that will be determined to prevent this, and this coalition will also include all of Israel’s military branches,” ani Netanyahu sa passing out parade para sa bagong naval officers sa Haifa.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sinabi ni Defence Minister Avigdor Lieberman sa isang hiwalay na talumpati sa okasyon na kamakailan ay nakarinig ang Israel ng “threats to harm Israeli ships in the Red Sea.” Hindi siya nagbigay ng detalye.

Ang mga barko na patungong Israel, karamihan ay nagmula sa Asia, ay dumaraan sa waterway patungong Eilat, o dumidiretso padaan sa Suez Canal patungong Mediterranean Sea. Ang mga barko naman na patungong Aqaba port ng Jordan at ilang patungo sa Saudi ay kailangan ding dumaan sa strait