Inanunsyo ng bansang Iran nitong Huwebes, Hunyo 11, na muli nilang isinarado ang Strait of Hormuz.
Kasunod ito ng pag-atakeng isinasagawa ng Estados Unidos laban sa kanila.
Pagdidiin ng Iran, sakop ng naturang pagsasara ang lahat ng vessels na nais dumaan sa Strait of Hormuz—kabilang na ang oil tankers at commercial ships.
Samantala, iginiit at nagbabala rin silang tatargetin nila ang anumang pagtangkang daanan ang naturang ruta.
Sa isang pahayag, sinabi rin ng Iran na may pinuntirya silang mga sasakyang-pandagat na galing sa Amerika.
Binuweltahan naman ng US ang mga pahayag na ito ng Iran.
Salungat sa inilahad ng huli na sarado na ang Strait of Hormuz, tahasang inihayag ng Amerika na patuloy hanggang sa kasalukuyan ang pagdaan ng mga sasakyang-pandagat sa nasabing ruta.
Pinasinungalingan din nila ang umano’y pag-atake ng Iran sa kanilang warships.