NABASA ang pa-thank you ng Dreamscape sa tinawag nilang “@mainedcm family”, sa pagtulong sa pagtu-tweet para sa FPJ’s Ang Probinsyano last Monday.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumutok sa #FPJAPTensyon ngayong gabi. Maraming salamat po sa @mainedcm family for tweeting with us tonight. Magandang gabi, Kapamilya.”

Ang tinawag na mainedcm family ay ang solid fans ni Maine Mendoza at ng ibang fans ng AlDub love team nila ni Alden Richards. Pinili ng mga itong suportahan ang Ang Probinsyano ni Coco Martin, kaysa ang pinakaaabangang pilot airing ng katapat nitong Victor Magtanggol ni Alden.

Wala namang isyu rito dahil walang pilitan ang panonood sa gusto nilang suportahan. Natural na rin sigurong makakuha ngayon ng suporta ng fans ni Maine si Coco dahil magkakasama ang dalawa sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Popoy Em Jack: The Puliscredibles.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kaya lang, malinaw kung sino talaga ang sinusuportahan ni Maine. Nag-tweet siya kay Alden bago umere ang Victor Magtanggol.

Tweet ni Maine: “Congratulations sa dream project, @aldenrichards02! You will always have my support. Best of luck and stay happy.”

Inulit din ni Maine ang pagko-congratulate kay Alden sa Tuesday episode ng Eat Bulaga kahapon.

-Nitz Miralles