ITINUTURING na Manila’s biggest entertainment event ang pagdaraos ng History Con sa August 10-12 sa World Trade Center.

Isa sa highlights ng event ay ang Philippine Veterans Bank (PVB) presentation ng Battle of Manila exhibit, kung saan isasadula ng mga miyembro ng Philippine Living History Society ang mga malagim na pangyayari noong World War II. Itu-tour din nila ang mga bisitang dadalo sa History Con.

“We have always made it our corporate responsibility to generate awareness about Philippine World War II history among the youth, instill national pride at ibahagi ang kapayapaan, pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan which comes with a price,” pahayag ni PVB Chairman Roberto F. de Ocampo, OBE.

Pinasasalamatan naman ni A&E Network Philippine Head Jacques Ruby ang Philippine Veterans Bank sa taunang participation nito sa History Con, na inilarawan bilang “both entertaining and a learning experience for the History Con visitors.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Magpupugay din sa event ang mga personalidad na sina Kathryn Winnick, ng winning series na Vikings ng History Channel; si George Tsoukalos, ng hit series na Ancient Aliens; gayundin ang local celebrities na sina Xian Lim at Diego Loyzaga, ng Celebrity Car Wars.

-REMY UMEREZ