ILOILO CITY - Sasampahan ng kasong kriminal ang isang pari sa Dumarao, Capiz matapos umano nitong tangkaing barilin ang isang estudyanteng teenager sa compound ng pinamumunuang simbahan.

Fr.FedericoLim Jr

Kakasuhan ng illegal possession of firearms si Fr. Federico Lim Jr., 45, kura paroko ng Our Lady of Snows, na dinakip ng pulisya nang paputukan umano ang grupo ng biktima, na isang Grade 12 student.

Natuklasan sa imbestigasyon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng suspek at ng grupo ng biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ipinagtutulak umano ng pari ang mga motorsiklong pag-aari ng grupo ng binatilyo dahil nakaparada ang mga ito sa lugar na nakalaan lamang sa mga bisita ng pari.

Dahil dito, pinagbabato ng grupo ng biktima ang kumbento at hinamong lumabas ang pari.

Nang lumabas, napaulat na bitbit ng pari ang isang .45 caliber pistol at ipinutok umano ito sa grupo ng biktima.

Hindi naman natamaan ang mga biktima, habang inaresto ang pari na kalaunan ay isinugod sa ospital nang tumaas ang presyon nito.

-TARA YAP