MARAMI ang guest sa 30th Anniversary Concert ni Ogie Alcasid billed OA, happening sa August 24, 2018 sa Smart Araneta Coliseum.

Ogie copy

Guests ni Ogie sina Michael V, Vice Ganda, Janno Gibbs, Moira, Yeng Constantino, at Rey Valera. Kasama rin ang mga anak niyang sina Leila, Sarah, at Nate Alcasid, at siyempre, ang misis niyang si Regine Velasquez.

Produced ng Star Events, ABS-CBN, at A-Team ni Ogie ang concert, at kasama rin ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Si Gerard Salonga ang musical director at si Paolo Valenciano ang director.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Maganda ang naging paliwanag ni Ogie kung bakit isinama niya si Rey Valera sa kanyang anniversary concert.

“I have always admired this man’s songwriting style since I was a young man. He writes lyrics and melodies that speak to your heart. Salamat #reyvalera sa musika mo. It is an honor for me to once again share the stage with you on my 30th anniversary concert!”

Tapos na ang shooting ni Ogie para sa 2018 Cinemalaya entry niyang Kuya Wes, kaya makakapag-focus na siya sa paghahanda sa kanyang concert.

Produced ng Spring Films nina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at Bb. Joyce Bernal ang Kuya Wes, na tinatampukan din ni Ina Raymundo.

-Nitz Miralles