KUNG gaano kahigpit ang labanan ng kani-kanilang koponan sa kampeonato ng PBA Commissioners Cup, inaasahang ganun din katindi ang magiging laban ng magkaibigang sina Justin Brownlee at Renaldo Balkman para sa Best Import award ng mid season conference.

June Mar Fajardo

June Mar Fajardo

Sa kasalukuyan, nangunguna si Brownlee sa karera pagpasok ng nasimulan ng best-of-seven finals series ng Barangay Ginebra at defending champion San Miguel.

Pagkaraan ng semifinals ay may natipon ang Ginebra import na 54.46 statistical points kasunod ang kanyang San Miguel counterpart na may 51.03 sps.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pumapangatlo sa kanila si Alaska import Diamon Simpson na may 51.03 sps kasunod si Rain or Shine import Reggie Johnson na may 47.8 sps.

Para naman sa labanan sa Best Player of the Conference, liyamado na si reigning league 4-time MVP June Mar Fajardo bilang runaway leader taglay ang 39.12 sps.

Wala isa man sa mga sumusunod sa Beermen center sa top 5 ang naglalaro ngayon sa finals.

Dahil dito, tiyak ng makakamit ng Cebuano slotman ang kanyang ikapitong BPC award.

Pinakamalapit sa kanya si Globalport guard Stanley Pringle na may 36.08 sps, pangatlo si Vic Manuel ( 35.44 sps.) pang-apat ang kakampi ni Pringle na si Sean Anthony (33.62 sps,) at panglima si Chris Newsome ng Meralco (31.31 sps).

-Marivic Awitan