IKINUWENTO ni Rochelle Pangilinan sa presscon ng Onanay ang kwentuhan nila ni Nora Aunor tungkol sa baha, na pareho nilang naranasan sa buhay.

Magkasama ang dalawa sa bagong teleserye ng GMA-7 na magpa-pilot sa August 6, after ng Victor Magtanggol. Ayon kay Rochelle, nagkakakuwentuhan sila ‘pag wala silang eksena o ‘pag break time.

“Feeling close na ako sa kanya, mga buhay na namin ang pinagkukuwentuhan namin. Naikuwento ni Ate Guy na noong hindi pa siya artista, bumaha sa lugar nila at nakapulot siya ng itlog. Itinabi niya ang itlog sa pagtulog niya, matagal bago niya kainin dahil that time pala ‘pag kumain ka ng itlog, yayamanin ka. Nakakaloka ‘di ba?,” sabi ni Rochelle.

Nagpapasalamat si Rochelle sa GMA-7 na isinama siya sa cast ng Onanay. Hindi lang kasi ang Superstar ang makakatrabaho niya, kundi maging si Cherie Gil at ang direktor nila ay si Gina Alajar.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Aniya, malaki ang impluwensiya ni Direk Gina kung bakit niya hinuhusayan ang trabaho at acting sa mga ibinibigay na project sa kanya.

“Binuksan ni Direk Gina na hindi lang basta na-deliver mo nang maayos ang lines mo at naibigay ang right emotion sa scene mo artista ka na o mahusay ka na.

“Narinig ko ang usapan nila ni Irma Adlawan sa taping ng Amaya noon na pinagkukuwentuhan nila ang story ng Amaya at respective roles nila. Naisip ko, sila ngang magagaling ng aktres, pinag-aaralan ang mga eksena at karakter nila. Doon ko nasabi na pag-aaralan ko ang acting,” pagtatapos ni Rochelle.

-Nitz Miralles