KABILANG na ang sports na Jet Ski na nasa pangangasiwa ng Games and Amusement Board.

Ipinahayag kahapon ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na inaprubahan ng Board na kinabibilangan din nina Commissioners Eduard Trinidad at Mar Masanguid ang Jet Ski bilang isang ganap na professional sports sa bansa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Bilang paunang aksiyon, ikakarga ang unang Jet Ski –GAB-sanctioned tournament --- ang 1st Cebu Jet Ski Invitational race – ngayong weekend sa Kawit Point, South Road Properties sa Cebu City.

‘Kami po sa GAB ay natutuwa ay dumarami ang sports na lumalapit sa amin para magpa-sanctioned at magpa-regulate. Malaking tulong ang pagkilala sa GAB dahil sa mga programang isinulong natin kabilang ang libreng medical at CT Scan sa ating mga atleta,” pahayag ni Mitra.

‘Kami naman po ay talagang nandito para masigurio ang kapakanan n gating mga atleta hindil lamang ang sports development,’ aniya.

Ibinida rin Mitra ang pagpapalakas ng kampanya sa drug test upang masiguro na hindi malalagay sa alanganin  ang mga atleta, higit ay marami nang energy drinks ang mabibili lamang sa mga convenience store sa bansa.

-Edwin Rollon