PINAYAGAN si Kris Aquino ng NutriAsia na dumalo sa premiere night ng Crazy Rich Asians sa August 7, sa Hollywood Boulevard.

Kinailangang magpaalam ni Kris sa nasabing kumpanya, dahil nasabay sa August 7 ang TVC shoot ng endorsement nila ni Bimby. Batay sa nabasa naming convo nila ni James Lim, ang Corporate Communications & Digital Head, sinabing papayagan siya na dumalo sa nasabing Hollywood premiere, kaya tuwang-tuwa si Kris at bibiyahe na naman.

Well, pinayagan nga si Kris, at pagbalik niya from Indonesia kung saan may TVC shoot siya for a new endorsement, ay may ilang araw lang siyang pahinga at lilipad na naman siya pa-Amerika para sa premiere night ng Crazy Rich Asians.

-Nitz Miralles
Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon