Ibinunyag ng Malacañang na limang ahensiya ng gobyerno ang mahigpit ngayong binabantayan ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng red tape.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa rehearsal pa lang sa Palasyo bago ang State-of-the-Nation Address (SONA) ay isa-isang tinukoy ng Pangulo ang limang tanggapan ng pamahalaan na posibleng sangkot sa red tape.

Subalit sa aktuwal na SONA sa Batasan Complex nitong Lunes ay binago umano ni Pangulong Duterte ang script at hindi na muna binanggit ang limang ahensiya ng gobyerno.

Paniwala ni Roque, hindi na muna tinukoy ng Pangulo ang limang tanggapan ng gobyerno dahil napagdesisyunang personal munang pagsasabihan ang mga pinuno ng mga nasabing ahensiya.

National

Romualdez, iginiit na handa na Kamara na makatrabaho ang mga papalit na gabinete ni PBBM

Aniya, karamihan sa reklamong nakarating kay Duterte ay tungkol sa kurapsiyon at mabagal na serbisyo.

-Beth Camia