HINDI mapagsidlan ang sayang naramdaman ng panganay ni Kris Aquino na si Joshua Aquino nitong Lunes, dahil dinalaw siya ni Willie Revillame sa bahay nila, na malapit lang sa tirahan ng Wowowin host.

Josh at Willie

Base sa video na napanood namin, tuwang-tuwa si Kuya Josh nang makita si Willie. Mahigpit itong niyakap ng binata sabay kanta ng pinasikat ni Willie na Ikaw Na Nga. In return, binigyan ng TV host ng jacket at CD niya si Josh.

Hindi nagawang dumalaw ni Willie sa hospital kung saan na-confine si Josh, para na rin sa series of check-up na negatibo naman lahat ang resulta, kaya ang saya-saya ng pamilya Aquino.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

At dahil maganda ang panahon, inilibot ni Willie si Kuya Josh sakay sa kanyang red top down Ferrari sports car, sa buong subdibisyon at tuwang-tuwa ang panganay ni Kris.

Post nga ni Kris sa Instagram: “Sa gitna ng gulo po sa ating bansa, this is REAL. This is LOVE. Thank you to Willie Revillame for the effort to make our kuya josh feel genuine HAPPINESS. #ichooselove.”

Sobrang nag-enjoy si Joshua kaya hindi na kami magtataka kung isang araw ay magpabili siya ng Ferrari sports car sa mama niya.

Samantala, lumipad na kahapon (Martes) ang KCA Team para sa TVC shoot ng isang produkto sa Indonesia.

-Reggee Bonoan