Arestado ang dalawa umanong tulak ng ilegal na droga at ang dalawa nilang parokyano sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Sa report ni Police Supt. Ferdie Del Rosario, Assitant Chief of Police for Administration (ACOPA), kinilala ang mga inaresto na sina Aaron Paul Hererra, 23, ng No. 2376 Vanguard Street, Barangay 178, Camarin; Fidel Fernandez, 24, ng Pechayan St., Bgy. 178, Camarin; mga parokyanong sina Kim Walter Labro, 19, ng Calamansia St., Bgy. 178, Camarin; at Joseph Jerycko Parater, 18, ng Barangay 179, Caloocan City.

Ayon kay Del Rosario, nagsagawa ng buy-bust operation sa labas ng motel na matatagpuan sa Ilang-Ilang St., Bgy. 178, Camarin, dakong 5:00 ng umaga.

Isang pulis ang bumili ng shabu, sa halagang P500, at nang iabot isang pakete ay agad inaresto ang mga suspek.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Nasamsam sa mga suspek ang dalawa pang pakete ng umano’y shabu at isang cal. 45 na may dalawang magazine.

Inaresto rin sina Parater at Labro na iiskor ng droga.

Nahaharap sina Hererra at Fernandez sa mga kasong Sec. 5 and 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (illegal possession of fire arms and ammunitions), habang Sec. 11 ng RA 9165 kina Parater at Labro.

Orly L. Barcala