July 13, 2026

Home BALITA

Sen. Risa, nagbabala vs AI-generated photo kasama suspek sa Tacloban school shooting

Sen. Risa, nagbabala vs AI-generated photo kasama suspek sa Tacloban school shooting
Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros/FB


Pinaalalahanan ni Sen. Risa Hontiveros ang publiko kaugnay sa kumakalat na [Artificial Intelligence] AI-generated photo kasama ang isa sa dalawang menor de edad na suspek sa malagim na shooting incident na naganap sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22.

Matatandaang dahil sa nangyaring pamamaril, nasawi ang tatlong menor de edad na mag-aaral mula sa naturang paaralan, at hindi bababa sa 20 ang napaulat na nasaktan.

MAKI-BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!-Balita

Sa ibinahaging social media post ni Sen. Risa noong Huwebes, Hunyo 25, binalaan niya ang publiko na huwag maniwala sa naturang post.

Giit niya, wala siyang litrato kasama ang suspek sa naturang pamamaril.

“WAG MANIWALA SA AI-ASSISTED FAKE NEWS! Wala tayong picture kasama ang suspek sa Tacloban school shooting,” diin ni Sen. Risa sa kaniyang post.

“Mahiya naman silang mga gumagamit ng trahedya para magkalat ng fake news!” dagdag pa ng mambabatas.

Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros/FB

Galing ang nasabing AI-generated photo mula sa isang social media group na may pangalang “VP sara Duterte supporters.”

Batay sa post, binuweltahan nito ang umano’y pagprotekta sa mga kriminal.

Idiniin din nito na buhay dapat ang kapalit sa mga krimeng buhay din ang kinuha.

Samantala, ipinakita rin ni Sen. Risa ang lehitimo at orihinal na litrato, na siya umanong ginamit upang magawa ang AI-generated photo.

Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros/FB