July 23, 2026

Home BALITA National

Trillanes, bumira sa pagiging 'kulto' umano ng mga DDS!

Trillanes, bumira sa pagiging 'kulto' umano ng mga DDS!
Photo courtesy: File Photo, MB

Binanatan ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang tila pagiging kulto umano ng grupo ng mga sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte o mga “DDS.” 

Sa naging pahayag ni Trillanes sa panayam sa kaniya ng isang TV station noong Huwebes, Hunyo 25, 2026, sinabi niyang talagang talalamak daw ang mga mali o pekeng impormasyon na pinapakalat sa panig ng mga DDS. 

“‘Yong sa side nila, sa kampo ng Duterte, talagang ito [ay] delivery. Kung papakinggan n’yo lang ‘yong kanilang echo chamber, ilang beses nang nakalabas si Duterte, e,” pagsisimula niya. 

Ani Trillanes, sa pamilya na rin kasi raw mismo ni FPRRD nanggagaling ang mga umano’y mga kasinungalingan na paulit-ulit namang tinatanggap na marami nilang tagasuporta. 

“At ito, pino-propagate mismo no’ng mga pamilya niya. Sasabihin nila, ‘O, heto na, makakalaya na si Duterte. MadI-dismissed na ‘yong kaso, etc., etc.’ Ang dami nang paulit-ulit na ganoon,” aniya. 

National

'Kiyapo,' lalakas bilang tropical storm; signal no. 1, nakataas na!

Patutsada ni Trillanes, tila raw nahi-hypnotize ng mga Duterte ang mga DDS kahit ilang beses na raw nilang pinaglololoko ang mga ito. 

“Pero ito namang mga supporters nila, kahit na paulit-ulit silang pinaglololoko, parang mesmerized pa rin sila or hypnotized ang status nila,” banat niya. 

Buwelta ni Trillanes, tila raw naging kulto na ang naturang grupo dahil sa patuloy nilang paniniwala sa mga maling impormasyong may kaugnayan sa sinusuportahan nilang pamilya. 

“Kasi parang naging kulto na. Kahit na ilang beses paglolokohin, okay pa rin, tuloy-tuloy lang, papaniwalaan pa rin nila,” ‘ika niya. 

“Pero ‘yan, at least, naramdaman na ng ICC na talagang hindi na pupuwede ‘yong mga ganiyang mga pinapakalat nila,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, nanatili pa rin si FPRRD sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, kaugnay sa kinakaharap niyang kasong crimes against humanity sa naganap na madugong war on drugs sa bansa noon. 

Nakatakdang opisyal na magsisimula ang trial laban sa kaniya sa darating na ika-30 araw ng Nobyembre. 

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, muling nagsampa ng kaso vs 18 ex-bodyguards; Cayetano at Marcoleta, dawit!