DALLAS (AP) — Sa isyu ng team loyalty, buhay na patotoo si Dirk Nowitzki sa Dallas Mavericks.
Ipinahayag ng Mavs management nitong Lunes (Martes sa Manila) ang paglagda ng 13-time NBA All-Star sa makasaysayang 21st season. Batay sa ipinapatupad na regulasyon ng koponan, hindi isiniwalat ang laban ng bagong kontrata ng German star.
Sa kanyang ika-21 season, maitatala ni Nowitzki ang NBA record para sa pinakamahabang serbisyo ng isang player sa iisang koponan. Kasosyo niya dati si Kobe Bryant na nagretiro sa nakalipas na season matapos ang 20 taon sa LA Lakers.
Sa kabuuan ng career ni Nowitzki, naabot ng Mavericks ang tugatog ng tagumpay nang magkampeon ang Mavs noong 2011 laban sa Miami Heat. Pinangunahan ni Nowitzki ang Dallas sa tanging 60-win season noong 2002-03, unang NBA Finals noong 2006, franchise-high 67 panalo noong 2006-07 at kauna-unahang World Championship ng prangkisa noong 2011.
Natatanging player si Nowitzki sa kasaysayang ng prangkisa. Tinangahal siyang 13-time NBA All-Star, All-NBA Team honors sa 12 sunod na taon (2000-12), Most Valuable Player ng 2006-07 season at MVP sa 2011 NBA Finals. Tinanghal din siyang Western Conference Player of the Month nang anim na ulit, 16-time Western Conference Player of the Week, four-time All-Star Saturday Night Three-Point participants at 2014 Magic Johnson Award recipient at Twyman-Stokes Teammate of the Year (2017).
Anthony, isang ganap na Rocket?
Sa Houston, plinaplatsa na lamang ang ilang gusot sa paglipat ni Carmelo Anthony sa Rockets.
Ayon sa ulat ni Marc Stein ng New York Times,hinihintay na lamang na maging pormal ang three-team trade na kinasangkutan ng Oklahoma City Thunder, Atlanta Hawks at Philadelphia 76ers para opsiyal na maging free agent si Anthony.
Sa naturang trade, ipinamigay ng Atlanta si Dennis Schroder sa Thunder kalapit ni Anthony at lottery-protected (1-14) 2022 first-round pick. Naluipat naman si forward/center Mike Muscala mula Atlanta patungong Philadelphia sa pamamagitan ng Oklahoma City, na makukuha naman si dating first-rounder Timothe Luwawu-Cabarrot mula sa Philly.