MAUUNA pa yata kay Sharon Cuneta na mag-shooting ng pelikula si Gabby Concepcion. Bida ang aktor sa movie adaptation ng hit TV soap na Gulong ng Palad, at nag-storycon na para sa nasabing pelikula.

Gabby copy

Wala lang si Gabby sa photos ng buong cast, kasama si Direk Laurice Guillen. Kabilang sa bubuo ng cast ng Gulong ng Palad sina Jodi Sta. Maria, Ina Feleo, Denise Laurel, Francis Magundayao, at marami pang iba.

Kung hindi kami nagkakamali, ang Cineko Productions ang producer ng pelikula, na last year pa inihayag. Nahirapan silang buuin ang cast, pero ngayong buo na, masisimulan na ang shooting.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Gagampanan nina Gabby at Jodi ang role nina Carding at Luisa, respectively.

-Nitz Miralles