TEARY-EYED si Kris Aquino nang magkita sila ni Vice Ganda nitong Sabado ng gabi kasama ang bunsong anak na si Bimby bago pumasok ng Cinema 5 para sa screening ng pelikulang I Love You, Hater.

Vice, Bimby at Kris

Hindi naman kasi kaila na ilang buwan ding hindi nagkita ang magkaibigan simula nang mawalan ng programa sa ABS-CBN si Kris.

Bago magtungo sina Kris at Bimby sa Trinoma ay nag-post siya ng, “By now, you know me lahat kayang isantabi para sa happiness ng mga anak ko. Si kuya Josh okay na.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Tonight I know this is for Bimb. Nag invite ang isang super love ni Bimb sa gitna ng ulan- sugod na kami para manuod ng “I Love You Hater” kasama n’ya. Join din si ate @ juliabarretto na SUPER LOVE ni Bimb. “My heart overflows w/ happiness because my 2 sons are now happy. Tigilan na po natin ang paghusga yakapin natin ang kayang gawin ng mga adults para mapaligaya ang mga naipit na bata #ichooselove #family.”

At nang dumating na ang mag-ina sa Trinoma ay sinalubong sila ni Vice at sabay yakap ng mahigpit kay Bimby, at kay Kris na naluha sa muli nilang pagkikita ng It’s Showtime at GGV host.

Pinost ni Kris ang kuha ng personal assistant niyang si Jack Salvador ang video nilang tatlo nina Vice na may caption, “My bunso never wavered in his LOVE for his Tito Vice, @praybeytbenjamin maybe ngayon maiintindihan n’yo na kung bakit nanahimik kaming nakatatanda kahit pilit gustong intrigahin. Because #satruelang, we both prioritized this very loving & lovable boy. I chose @piolo_pascual’s version of THANK GOD I Found You because it was from STAR RECORDS album “We are 1” released for Bimb’s 1st birthday. Listen to the lyrics- ‘yun po ang laman ng puso ko. I am sure @ garciajoshuae & @juliabarretto are as grateful as Bimb & me are sa generosity & effort ni Vice, my asawa to support “I Love You Hater” still showing from @ starcinema.”

Pagpasok namin sa Cinema 5 ay nagulat sila pagkakita nila sa cast ng I Love You, Hater kasama pa si Praybeyt Benjamin na hindi naman kasi inanunsiyong manonood.

Nalaman namin mula sa taga-ABS-CBN na ayaw ipakober ang pagkikita nina Vice at Kris dahil baka bigyan ito ng malisya pero hindi pa rin napigil dahil halos lahat naman ng mga nakakita sa kanila ay nakatutok ang mga cellphone at sabay post sa social media kaya nalaman ng online writers, bloggers at print media.

Pagkatapos ng pelikula ay sabay-sabay nag-akyatan ang mga nanood sa puwesto nina Vice sa tuktok para magpa-picture at kunan sila ng litrato.

Nakakatuwa dahil kasama ni Vice ang mama Rosario niya na kinumusta ng Queen of Online World and Social Media at sabay sabing, “mayaman ka na po?” na ang ibig tukuyin ng huli ay marami ng ipon dahil bukod sa allowance na natatanggap sa TV host ay hindi pa rin tumitigil sa trabaho nito sa Amerika.

Anyway, pagkatapos manood ay dumiretso ang grupo sa isang restaurant sa Scout Lazcano para mag-dinner. Isinabay na rin ni Kris ang interview niya sa kanyang ‘asawa’ na mapapanood sa LiveLife, iflix.

-Reggee Bonoan