MAY mga pasabog si Kris Aquino bilang sagot sa isang basher na nagkumpara sa kanya sa mga pinsan niyang sina Mikee, Mai-Mai at China Cojuangco, na kahit daw mayayaman din ay humble, down to earth, at graceful.

IMG_5087

“You compare me w/ 3 other women na last name Cojuangco din—did it ever enter your mind that they’ve always had both parents? Do I need to bring up that their parents publicly shamed my brother & told him to resign? You criticize me for what you say is showing off, but what you don’t see are the HOURS of hard work.”

Sa post na ito ni Kris, nakumpirmang hindi sila in good terms with her uncle Peping Cojuangco and his family. Minsan nang naikuwento ni Kris na sinigawan siya ni Tingting Cojuangco sa isang meeting ng mga Cojuangco.

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

“Who was the most pained when I 1st lost my work in ABS? My MOM. Sino yung hindi kami okay pero worried dahil baka kung anong mangyri sa bunso ang nakiusap nung 1995 na bigyan ako ng chance ng GMA w/ Star Talk? That was my Mom. Sino ang pinagalitan ako nung 1996 kasi nag-ABS ko & natakot na baka mag repeat yung 1992 experience? My Mom. Sino ang hindi papayag na ang bunso nya susuko na lang who was the 1 PROUDLY telling all her friends ‘everything my daughter has she has worked hard for’,” patuloy ni Kris.Araw-araw nga ay may isyu si Kris, dahil sinasagot lang niya ang mga isyu na ibinabato sa kanya. Sino pa nga ba ang sasagot at maglilinaw sa mga isyu sa kanyang pamilya, kung hindi siya na nakakaalam ng totoo?

Ang ipinagpapasalamat na lang ni Kris, sa rami ng mga isyung ipinupukol sa kanya at sa kanyang pamilya, maganda ang resulta sa mga ginawang test kay Joshua.

Ibinalita rin ni Kris sa Instagram: “Initial findings: EROSIVE ESOPHAGITIS DUE TO SEVERE ACID REFLUX and ULCERS. But they have to do a biopsy of what they had scraped from kuya because a health (based on blood works), 23 year old shouldn’t has his severe digestive issues & our doctors want to be thorough. He’ll be on medication for 12 weeks & we’ll do a repeat colonoscopy.”

Patuloy na naghihingi ng dasal si Kris sa supporters niya para sa tuluyang paggaling ni Josh. Touching ang eksenang yakap ni Kris si Joshua na nakahiga sa kama at pinapayapa dahil ninenerbiyos.

Sobrang touching din ang eksenang hinalikan ni Bimby si Joshua para pakalmahin. Hindi rin natulog si Bimby sa pagbabantay sa kuya niya, dahil alam nitong kailangan ni Josh ng suporta niya.

-Nitz Miralles