MAY binigyang-diin si Jim Salas, ama ni Paul Salas, sa isyung ikinakabit sa huli tungkol sa pananakit umano nito sa ex-girlfriend na si Barbie Imperial.

PAUL

Marami kasi ang hindi naniniwalang hindi si Paul ang may gawa ng mga pasa ni Barbie, at marami na ang nadadamay.

Kabilang sa nadamay ang best friend ni Paul na si Kristoffer Martin at ang GF nitong si AC Banzon, na kapwa ipinagtanggol si Paul. Sila ang inaway ng fans ni Barbie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Post ni Jim: “Kilala niyo si Paul at alam niyong hindi niya kaya gawin yun. Alam namen ang totoo. Alam ng Diyos ang totoo. Mahirap magsalita agad dahil sarado utak ng mga tao.

“Kung totoo ang sinasabi ng babaeng yun (Barbie) bakit hindi sha nagsumbong sa pulis o kaya brgy. Nagkaoras pa sha para mag-selfie ng mga sugat niya na hindi naman gawa ni Paul.

“Malalaman niyo din ang totoong kwento. Sa ngayon, maging bukas ang isip naten na dalawa ang kwento parati sa istorya at antayin ang kwento sa side ng anak ko. Maraming salamat sa inyong mga totoong nagmamahal kay Paul at sa amin.”

Naguguluhan lang kami dahil iisa ang sinasabi ng parents at mga kaibigan ni Paul, na hindi magagawang saktan ng aktor si Barbie. Pero bakit walang magkalakas ng loob mula sa panig ni Paul na sabihin ang totoo?

Bakit kailangang hintayin pa ang side ni Paul? Kailan pa mangyayari na lilinawin niya ang isyu? Kapag durog na durog na si Paul?

-NITZ MIRALLES