PINANGALANAN na ng Dreamscape unit head na si Deo Endrinal ang kumpirmadong leading man ni Judy Ann Santos sa upcoming serye niyang Starla.

Raymart copy

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sinabi ni Sir Deo na si Raymart Santiago ang makakatambal ni Judy Ann sa pagbabalik-teleserye nito sa Kapamilya TV series na Starla.

Noong una’y naging pahulaan pa kung sino ang Kapuso actor na makakapareha ni Juday, pero nitong huli ay inilantad na ang pangalan ni Raymart.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Wala pang eksaktong petsa kung kailan ieere ang nasabing Juday-Raymart series, pero tiyak nang makakasama nila sa serye sina Joem Bascon, Kathleen Hermosa, Anna Luna, Meryll Soriano, Gabe Mercado, Simon Ibarra, Bodjie Pascua, Joel Saracho, Janus del Prado, at Joel Torre.

-Ador V. Saluta