MATAPOS ang matagumpay na paglulunsad nitong nakaraang buwan, muling magsasagawa ang BRATS (Boy R. Abunda Talk Series) ng isa pang talakayan, kung saan ibabahagi ng mga piling guest speakers ang istorya ng kanilang buhay. Maaari rin silang makipag-usap sa audience, gayundin, magbibigay din ng mga inspiring message ang King of Talk na si Boy Abunda.

Boy copy

Ito ay gaganapin sa July 25, ganap na 7:00 ng gabi, sa Satin Room 2 ng Seda Vertis North.

Ang focus ng BRATS sa diskusyong ito ay mental health, at layunin nilang mahikayat ang mga tao na ihayag ang sariling mga karanasan at ibahagi ang kanilang mga pananaw sa buhay sa mga indibiduwal na nahihirapang ipaliwanag ang kanilang mga pinagdaraanan.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Ang guest speakers ay sina Miss International 2016 Kylie Verzosa, actress at model Jasmine Curtis Smith, actress at screen writer Bela Padilla, NGO advocate Queenie Maravillas, at ang estudyanteng si Nykko Bautista.“We need to touch each other’s lives. We need to listen to each other. We are in a wired generation. One of our goals is to go back to the basics. To enjoy laughter, aspirations and conversations. And it should be experienced live,” sabi ni Boy.Para sa registration at iba pang impormasyon, mag-email sa [email protected].

Manila Bulletin Entertainment