UMABOT sa 108,000 likes at 4,324 positive comments ang ipinost ni Kris Aquino na litrato nang dumalaw ang kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino sa hospital kung saan nagkaroon ng executive check-up ang panganay niyang si Josh.

Pres. Noy at Josh

“I chose to live my life openly—kaya nga maraming pwedeng humusga, pero na-bless kasi marami rin ang nagmamahal with true HUMILITY, I will share our story & hope that some of you will learn from our journey.

“My brother & I have had a complicated relationship, siguro po kasi only son & middle child siya, bunso ako. Siguro rin kasi aminadong opposites talaga kami, tahimik s’ya, pribado, iniisip mabuti ang bawat galaw. Alam nyo na kung ano ako. Dahil #satruelang, 3 months po kaming hindi okay.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Kasalanan ko po ‘yun. Naipit ‘yung 2 boys ko—alam nilang di okay kaya pinili na ‘wag dumalaw at wag iwan si mama. Ang pinaka-nag-suffer si kuya Josh. Sa bawat pag ospital—si Tito Noy was always there.

“Kinapalan ko po ang mukha ko today, nag-text ako. Umamin na alam kong na-hurt ko siya pero nakiusap—KAILANGAN s’ya ni kuya Josh. My son needed him, the ONLY constant male figure in his life.

“From afar, I took this picture. Sharing w/ you because ito kami—PAMILYA na kagaya nyong lahat. Kayang isantabi lahat ng tampuhan dahil hindi mag-iiwanan—gagawin ang lahat sa oras ng pangangailangan dahil may isang ‘special’ na batang inosente na kukuha ng lakas sa pagmamahal ng Tito Noy at mama n’ya.

“My brother is not active on social media, pero uulitin ko dito ‘yung nasabi ko sa kanya: THANK YOU for LOVING JOSH ENOUGH to be here when he really needed you. This is for all of you to get to know the real man, the true NOY AQUINO who is so deserving of RESPECT & ADMIRATION, galing po sa hindi perpekto pero totoong bunsong kapatid, na si Kris Aquino (thank you Mom, from heaven I know you made this possible.)”

-REGGEE BONOAN