Bawal na ang crowd sa laro ng Gilas sa Pinas

IPINAGBAWAL ng International Basketball Federation (FIBA) ang crowd sa susunod na home game ng Gilas Pilipinas sa Asia qualifying para sa World Cup.

UNSPORTSMANLIKE ACT! Kabilang si Gilas assistant coach Jong Uichico (kanan) sa pinatawan ng suspensyon ng FIBA sa partisipasyon sa ‘basketbrawl’ sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa FIBA Asian qualifying sa World Cup sa Philippine Arena nitong Hulyo 2. (RIO DELUVIO)

UNSPORTSMANLIKE ACT! Kabilang si Gilas assistant coach Jong Uichico (kanan) sa pinatawan ng suspensyon ng FIBA sa partisipasyon sa ‘basketbrawl’ sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa FIBA Asian qualifying sa World Cup sa Philippine Arena nitong Hulyo 2. (RIO DELUVIO)

Sa inilabas na ulat ng FoxSports, ‘closed door’ without crowd ang parusang ipinataw sa Pilipinas bunsod nang rambulan sa pagitan ng Gilas at Australian Boomers nitong Hulyo 2 sa Philippine Arena.

Matapos mag-Grand slam: Creamline balik national team, Alas Pilipinas ekis na?

Inilagay naman sa probationary period sa loob ng tatlong taon ang banned para sa dalawa pang home games ng Gilas.

Ayon sa ulat ng FOX Sports Australia, magkasabay na ilalabas ng Basketball Federation of Australia at Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang desisyon na FIBA Huwebes ng hapon.

Sa media advisory ng SBP, magsasagawa ng press conference ang pamunuan ng asosasyon, sa pangunguna ni SBP Chairman Manny Pangilinan ganap na 4:00 ng hapon sa PLDT office sa Makati City.

“FIBA has completed its investigation into the July 2 brawl between Australia and the Philippines, and will announce sanctions at 5pm (AEST), this evening, I’m told,” pahayag sa Twitter ni Olgun Uluc, reporter ng FOX Sports Australia.

Sa huling mensahe, pinatawan ng FIBA’s Disciplinary Panel ang 13 players mula sa dalawang koponan, gayundin ang dalawang Pinoy coach at officiating crew.

Ang naturang suspension ay may kaugnayan lamang sa partisipasyon sa 2019 FIBA World Cup Qualifying Games, at hindi apektado ang kampanya sa NBL at PBA.

Suspindido ng limang laro si Daniel Kickert ng Australia na nagpaningas sa unsportsmanlike behaviour ng mgakabilang panig, habang isang larong suspindido ang kasangga niyang si Chris Goulding at tatlong larong banned si NBA player Thon Maker.

Nakaligtas naman sa suspension sina Nathan Sobey at Jason Cadee na kasamang naglalaronang maganap ang rambulan.

Tumanggap namang ng pinakamahabang parusa na anim na larong suspensiyon si Calvin Abueva, habang limang larong suspensyon sina Gilas Roger Pogoy, Carl Cruz at Jio Jalalon, at may tigtatlong laro kina Terrence Romeo, Jayson Castro at Andray Blatche at tig-isang laro kina kina Japeth Aguilar at Matthew Wright.

Tanging si Gabe Norwood sa panig ng Gilas na naglalaro nang maganap ang kaguluhan ang nakaligtas sa suspensyon.

Tumanggap naman ng tatlong larong suspensyon si Gilas assistant coach Joseph Uichico bunsod ng unsportsmanlike behaviour, habang isang larong suspendido si head coach Vincent ‘Chot’ Reyes at pinatawan ng multang CHF 10,000 (AUD$13,485) bunsod ng ‘inciting unsportsmanlike behaviour’.

Pinagbabayad sin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng disciplinary fine na CHF 250,000 (AUD$337,126), habang pinagmulta ang Basketball Australia ng CHF 100,000 (AUD$134,850).

Inalis din ni FIBA Secretary General Baumann ang tatlong referee sa laro sa FIBA Elite Program. Pinagbawalan din silang makasama sa anumang international competitions na inorganisa ng FIBA kabilang ang Zone at Sub-zone level sa loob ng isang taon.