SA mediacon ng Pinay Beauty (She’s No White), ang entry ng Quantum Films, MJM Productions, at Epic Media sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino, si Maxine Medina ang pinutakting interbyuhin dahil na rin sa hiwalayan nila kamakailan ng long-time boyfriend niyang si Marx Topacio.

Maxine copy

Matagal nang gustong makapanayam ng reporters si Maxine, pero hindi siya mahagilap.

Huli namin siyang napanood sa seryeng Hanggang Saan, bilang isa sa leading ladies ni Arjo Atayde.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ayon sa ex-beauty queen, totoong nagkanya-kanyang landas na sila ng kanyang boyfriend, matapos ang pitong taon nilang relasyon. Sa katunayan, aniya, ay pinaplano na ni Marx ang kasal nila.

“Lahat naman kasi ‘di ba, nagbabago. Siguro parang kailangan muna namin ng space para ma-appreciate namin ‘yung respective lives namin,” sabi ni Maxine sa presscon.

Walang ibinigay na detalye ang Pinay Beauty actress kung bakit sila naghiwalay ni Marx, pero kahit wala na silang relasyon ay nananatiling may komunikasyon sila, at magkaibigan pa rin sila.

At dahil hindi naman bad breakup ang nangyari sa kanila, tinanong si Maxine kung posible bang na magkabalikan sila ni Marx.

“Bakit naman hindi, pero let’s see. Pero sa akin lang, I just really need to focus, and alam ko na ang priorities ko ngayon in life. I’m single now pero focus muna sa career ko, because I love what I’m doing,” pahayag ng Binibining Pilipinas-Universe 2016.

Sakto ang titulong Pinay Beauty kay Maxine dahil kayumangging kaligatan siya, kaya perfect siya sa pelikula ni Direk Jay Abello.

Sabi nga, sa pelikulang ito makikita ang other side ni Maxine bilang beauty queen dahil susubukin niyang maging komedyana kasama si Edgar Allan Guzman, at ang 2018 The EDDYS Best Supporting Actress (Respeto) na si Chai Fonacier.

Akmang-akma ang kuwento ng Pinay Beauty sa mga may kutis kayumanggi pero hindi kuntento sa sarili, at gagawin ang lahat para lang maging tisay.

Hmmm, wala bang nakuhang sponsors ang Quantum Films, MJM Productions, at Epic Media sa rami ng nagsusulputang beauty clinic ngayon bilang pagpapatunay kung sinu-sino na ang mga pumuti ngayon na dating kayumanggi.

Tinatampukan din nina Nico Antonio at Janus del Prado, mapapanood na ang Pinay Beauty sa Agosto 15-21 nationwide.

-Reggee Bonoan