BISING-BUSY sa promo ng kanilang pelikula sina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez, sa una nilang pagtatambal sa Kusina Kings, ng Star Cinema.

Zanjoe copy

Una nila itong in-announce sa It’s Showtime, at kuwela sa madlang pipol ang bagong comedy tandem nina Zanjoe at Empoy.

Sa panayam sa dalawa, sinabi nilang hindi sila nahirapan na kilalanin ang isa’t isa dahil natural na lumalabas sa set ng kanilang pelikula ang kanilang connection.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“On-cam, off-cam, ganun kami ni Z. ‘Yung batuhan namin ng linya. Wala kaming hinahanap na bagong ano. Nandun na sa reality ang dapat namin ikilos sa shooting namin,” ani Empoy.

“Nagwo-work na kung paano kami sa totoong buhay. Ganun na rin ang dapat gawin namin sa movie lalo na ito ang una naming tandem,”sey naman ni Zanjoe .

Kuwento pa ni Zanjoe, matagal na silang nagkasama ni Empoy sa ibang proyekto.

“First project ko dito sa ABS [CBN] kasama ko siya sa isang teleserye and then sa ibang pelikula nagkakasama na kami,” ani Zanjoe. “Ganun kasi kapag may nakita ka sa isang tao, kahit bago kakilala pa lang, parang makikita mo agad ang connection. Siguro dahil pareho kami taga-probinsiya at laking kalye, nagkokonek agad kami parehas.”Si Empoy naman, nakita ang talent ni Zanjoe sa pagpapatawa, na mapapanood sa mga eksena ng Kusina Kings, na showing na sa July 25.

“Yung pagmamahal niya sa trabaho, ‘yung dedication niya. Nakita ko na versatile siyang actor. Puwede sa drama, puwede sa comedy. Kahit saan puwede siya,” pahayag pa ni Empoy.

-Ador V. Saluta