SAN ANTONIO (AP) – Tuluyang nang pinutol ng San Antonio Spurs ang ugnayan kina Kawhi Leonard at Danny Green nang ipamigay sa Toronto Raptors kapalit nina guard DeMar DeRozan, center Jakob Poeltl at protected 2019 first round pick.

Tinanghal si DeRozan na 2018 All-NBA Second Team matapos makatipa ng averaged 23.0 puntos, 5.2 assists at 3.9 rebounds sa 80 laro sa nakalipas na kampanya ng Toronto. Tangan ng four-time All-Star ang career averaged na 19.7 puntos, 4.1 rebounds at 3.1 assists sa nakalipas na siyam na season sa NBA.

Miyembro rin si DeRozan ng 2016 USA Olympic gold medal team at tinanghal na Eastern Conference Player of the Week ng siyam na ulit at Eastern Conference Player of the Month sa tatlong pagkakataon (April 2015, January 2016 at January 2018).

Matagal ng hinihiling ni Leonard ang trade matapos ang pitong season sa Spurs kung saan naitala niya ang averaged 16.3 puntos, 6.2 rebounds at 2.3 assists.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pormal na ipinahayag ng Raptors nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) ang pagkakuha kina two-time NBA All-Star forward Kawhi Leonard at Danny Green.