NANGUNGUSAP ang mga mata at napakasimple ng atake ni Jaclyn Jose sa karakter niya bilang Dra. Lazaro sa The Cure.

Jaclyn copy

Unti-unti na kasing nagiging sakim si Dra. Lazaro dahil sa kagustuhan niyang mahanap ang lunas sa epidemya. Naging mapang-abuso na ito, at idinamay pa ang mga anak ni Charity (Jennylyn Mercado) at Greg (Tom Rodriguez).

Sa eksena nila ni Kylie Padilla kung saan kinukumbinsi nito ang dalaga na tulungan siya sa kanilang plano, tahimik lang at walang nararamdamang pamimilit sa pag-arte ni Jaclyn pero kahit ang viewers ay parang nako-convince niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Powerful ang eksena nilang ito ni Kylie, kaya naman inaabangan kung anong klaseng ending ang kahahantungan ni Dra. Lazaro. Matuloy kaya ang mga plano niya sa paghahanap ng lunas, o susukuan na niya ang paraang ginagawa niya?

Kung sa Cannes Film Festival ay winner ang beauty niya as Best Actress, maging winner din kaya ang acting ni dobol J sa susunod na PMPC Star Awards For TV?

Well, abangan na lang po natin.

-Mercy Lejarde