NAKAUNGOS si Filipino pool wizards Lee Vann Corteza kontra kay Japanese Naoyuki Oi, 8-7, para makumpleto ang sweep victory sa men’s 10-ball crown sa katatapos na 31st Japan Open 2018 Championship nitong Lunes sa New Pier Hall sa Tokyo, Japan.
Nakamit ni Corteza, kababayan ng Pangulong Duterte sa Mintal, Davao City, ang tropeo at top prize JP¥ 1,200,000,
“Congratulations Lee Vann (Corteza) for winning the just ended 2018 Japan Open Championship Male Division held at Tokyo, Japan,” sabi ni dating World Billiards at Snooker champion at Barangay Malamig chairman Marlon “Marvelous” Manalo na Mandaluyong City ABC president at Press Relation Officer ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.
Patungo sa finals, kinakailangan munang talunin ni Corteza sina Tadasu Sukigihara ng Japan, 8-6, sa Round-of-16, Cheng Yu-Hsuan ng Chinese-Taipei, 8-3, sa quarterfinals at Wu Kun Lin ng Chinese Taipei, 8-4, sa semifinals.
Kilala sa tawag na”The Slayer” sa pool world, kabilang sa kanyang mga nabiktima ay sina Satoshi Oaki ng Japan (9-3, round of 32), Sho Tsuken ng Japan (9-1, round of 64) at Naoki Yamashita ng Japan (9-6, round of 128) sa Group 15 eliminations.
Sa iba pang kaganapan sa billiards ay bagamat dumaan si Filipino Warren “Warrior” Kiamco sa loss side ay hindi naging hadlang para kunin ang titulo ng West Coast Swing (WCS) 10-Ball Challenge na ginanap sa Freezer’s Ice House sa Tempe, Arizona nitong Linggo. Nakamit ni Kiamco na tubong Pasil, Cebu ang top prize US$6,500.