SAN FERNANDO CITY, La Union – Tatlo uling lalaking estudyante ang inaresto sa ilegal na droga sa loob ng isang hotel sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Supt. John Guiagui, hepe ng San Fernando city police, ang mga suspek na sina Franz Jan T. Buncab, 19, second year, residente ng Ili Norte, San Juan, La Union; Patrick Ian L. Sibayan, 19, nursing student, ng Barangay 1, San Fernando City, La Union; at Paulo B. Cayago, 20, electrical engineering student, ng Bgy. Catbangen dito.

Ayon kay Guiagui, ang mga suspek, na pawang newly identified drug personalities, ay nag-check-in sa isang hotel sa Gov. Luna Street, Bgy. 4, nang matanggap ng pulisya ang ulat ng ilegal na aktibidad ng tatlong suspek.

Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng San Fernando City police at Philippine Drug Enforcement Agency, dakong 1:45 ng madaling araw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakuha sa mga suspek ang apat na pakete ng umano’ shabu; tatlong pakete ng marijuana fruiting tops; dalawang improvised pipe na may sinunog na marijuana; isang aluminum tooter; dalawang strips ng aluminum foil na may residues; at iba pang drug paraphernalia.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga suspek.

-Erwin G. Beleo