Sinuspinde ang dalawang pulis sa Georgia, matapos idaan sa coin toss ang desisyon kung aarestuhin ang 24-anyos na motorista na hinarang nila dahil sa speeding.

Hinarang ng dalawang babaeng pulis ang motoristang papasok sana sa kanyang pinagtatrabahuhang salon.

Matapos nito’y pinag-usapan muna umano ng dalawang pulis kung bibigyan ng ticket ang motorista o hindi para sa reckless driving.

Saka umano nagdesisyon ang dalawa na idaan na lamang sa coin toss ang desisyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I am appalled that any law enforcement officer would trivialize the decision-making process of something as important as the arrest of a person,” pahayag ng Roswell Police Department Chief Rusty Grant

Samantala, nangako naman ng imbestigasyon ang hepe ng pulisya habang sinuspinde ang dalawang pulis.