ALIW na aliw kami sa video ng batang umiiyak dahil napanood niyang namatay na si Cardo (Coco Martin) sa episode ng FPJ’s Ang Probinsiyano nitong Hulyo 9. May umaabot sa 157,678 views, 2.2k likes at 236 comments ang nasabing video.

Ang magulang ng bata ang nag-upload ng video, matapos kuhanan ang anak na umiiyak dahil binaril na ni Marco (JC Santos) si Cardo sa tulay—na panaginip lang pala ni Alyanna (Yassi Pressman), ang misis ni Cardo.

In fairness, trending ang episode na namatay na si Coco, kaya lahat ay tumutok na sa serye ng ABS-CBN kung ano ang mga susunod na mangyayayari.

Eh, panaginip nga lang ni Alyanna, kaya may ibang sutil na viewers na nagsabing “fake news” ang pagkamatay ni Cardo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, base mga komentong nabasa namin, halos iisa ang sinasabi na sana mapanood ni Coco ang video ng bata na talagang idolo siya. Puwede rin niyang isama ang paslit sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Samantala, hindi pa rin natitinag sa ratings game ang action serye ni Coco kahit na matagal na ito sa ere. Nitong Hulyo 13 ay nakakuha ito ng 43.1% ratings sa national, kumpara sa katapat na 17.3% lang.

-Reggee Bonoan