Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell at Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng dalawang kumpanya ng langis, nagtaas ang mga ito ng 30 sentimos sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina kasabay ng kakarampot na 15 sentimos na tapyas-presyo sa diesel, habang hindi nagbago ang presyo ng kerosene.

Ito ay epektibo ngayong 6:00 ng umaga.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kaparehong dagdag-bawas presyo sa petrolyo, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Sa datos ng Department of Energy (DOE), naglalaro ang bentahan ng gasolina sa P49.45 hanggang P59.42 kada litro, habang P41.20-P46.15 naman sa diesel.

-Bella Gamotea