PATULOY na nakatatanggap ng blessings ang cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Yasmien

Sa katunayan, isang plaque of recognition ang natanggap ng programa mula sa Philippine Catholic HIV-AIDS Network ng Diocese of Antipolo.

Nangyari ito sa Walk the Talk: Stop the Stigma, Stop HIV event ng naturang organisasyon nitong Linggo, July 8, sa Marikina Sports Center.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Sa Instagram posts ng lead star nitong si Yasmien Kurdi, kasama niyang tumanggap ng award ang co-stars na sina Jackie Rice, Martin del Rosario, Caprice Cayetano, at Seth dela Cruz, Direk Neal del Rosario, at ang mga executive producers ng Kapuso Network.

“Maraming Salamat PhilCHAN (Philippine Catholic HIV-AIDS Network) sa Plaque of Recognition sa #hindikokayangiwanka. Salamat po sa suporta niyo sa aming #advocaserye sa #gmaafternoonprime,” caption ni Yasmien sa nasabing photo.

-Mercy Lejarde