Nakapagtala ng bagong Guinness World Record ang Pilipinas makaraang burahin nito ang sariling record para sa pinakamalaking Zumba class.

Pinamunuan ni Ron Antonio, kasama ang 100 Zumba instructors, ang 13,350 sumali sa 30-minutong pagsasayaw.

Ayon kay Antonio, nakamit nitong Mayo 19 ng Camarines Sur ang bagong world record dahil sa pagsisikap ni Governor Migz Villafuerte.

Dating hawak ng Mandaluyong City ang nasabing record, makaraang 12,795 katao ang sama-samang nagsayaw sa gitna ng kalsada ng lungsod noong Hulyo 2015.

Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw

Nakatakda namang ipagdiwang ni Antonio, kasama ang mga dance enthusiast sa buong bansa, ang nakamit na world record sa “Zayaw Pilipinas Victory Party” sa Philippine International Convention Center sa Pasay City sa Sabado, Hulyo 14.

Ang Zumba ay isang exercise fitness program na binuo ni Colombian dance at choreographer Alberto “Beto” Perez noong 1990.

-Robert R. Requintina