ALAM ng actress-turned-politician na si Cristina Gonzales-Romualdez ang pressure na kinakaharap ng mga celebrity sa pagpapanatili ng kanilang magandang pangangatawan.

Cristina copy

“Whenever people bump into a celebrity and he or she happens to have gained weight, some will say ‘Is that (insert celebrities name)? Wasn’t she sexy before? Look how fat she is now,’” lahad ng Tacloban City mayor.

Aniya pa, sobrang mapanlait ng ilang netizen.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

“So, celebrities are more conscious now because your photos stay forever on the web. Then people will bash you, ‘Oh she’s so fat! She’s too old!’”

Hindi hinahayaan ni Cristina na ma-stress sa mga ganitong bagay. Binigyang-diin niya: “We’ll all age. Just do what you can because it’s also our duty to be healthy and age gracefully, especially for us women.”

BEAUTY TIPS

Kahit maedad na ay nananatiling maganda pa rin si Cristina, kaya nakagugulat malaman na ang kanyang beauty regimen ay simple lang.

“You know me, I’m really just simple,” natatawang sabi niya. “I’m not ‘high maintenance’ I just usually blow dry my hair and that’s it.”

Dahil sa kanyang heavy work schedule, 20 hanggang 30 minuto lang siya nakakapag-ehersisyo araw-araw.

“I try to be relaxed even when I’m under pressure as we need to do that especially at my age. I do treadmill at home, I sometimes walk, and I play badminton when I have time,” dagdag pa niya.

Tinanong din namin siya kung tinangka niya bang sumailalim sa beauty enhancement treatments.

“I believe in that naman. Why not, right? There’s a lot high-tech procedures right now to help maintain your beauty. I don’t wanna be pretentious, denying I don’t believe in those stuffs,” sabi ni Cristina.

BASHERS: BOO!

Sabi nga ni Cristina, bashers are unstoppable. Bakit? Kasi mismong siya ay nakatatanggap pa rin ng mga pambabatikos kahit na iniwan na niya ang showbiz, ilang taon na ang nakalipas.

“People tend to have an initial impression of ‘She’s not even a graduate of a political-related course! She’s just an actress, what does she know?’” sabi niya. “Maybe that’s why when you’re from showbiz and you enter politics, you tend to double, triple and quadruple your efforts in serving the people.”

Ayon pa kay Cristina, mahalaga na magtiwala sa Diyos dahil kung minsan, kahit na nagawa mo na ang best mo, hindi pa rin maiiwasan na maganap ang mga bagay nang hindi naaayon sa kagustuhan mo. Dagdag pa niya, na kahit anong mangyari, laging alalahanin na kontrolado Niya ang mga nagaganap.

Naisip bang bumalik ni Cristina sa entertainment industry?

“If it is a challenging role, maybe? But I don’t have time right now. In the past, especially when I got into politics, it’s hard to fly in and out of Manila to shoot and of course you have to shoot for 24 hours (sometimes) and go out of town,” sabi ni Cristina.

-JOJO PANALIGAN