NAKAIWAS ang Perpetual Help sa double blackeye nang gapiin ng Junior Altas ang San Beda Red Cubs, 72-69, nitong Linggo sa opening day ng 94th NCAA junior basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Pinangunahan nina Mark Gallano at Edzel Galoy ang Las Pinas-based dribblers sa natipang tig-16 puntos para sa impresibong simula na bigong nakamit ng kanilang seniors team.
Kinapos ang Perpetual Altas, pinangangasiwaan ni coach Frankie Lim, sa San Beda Red Lions, 67-65, nitong Sabado.
“The boys showed heart,” sambit ni Perpetual Help coach Michael Saguiguit.
Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng liga na nagwagi ang Perpetual sa San Beda sa opening day.
Mismong si Ato Badolato, coach ng Cubs sa mahabang panahon bago nagretiro bilang isang athletic director, ang nagpatotoo na walang record ng panalo ang Perpetual sa San Beda sa nakalipas na mga season.
“I can’t remember anymore, maybe in the early 90s,” aniya.
Sa ikalawang laro, nanaig ang San Sebastian Staglets sa Lyceum Baby Pirates, 69-68.
Iskor:
(Unang laro)
Perpetual Help (72) - Gallano 16, Galoy 16, Kawamura 15, Orgo 11, Barcuma 6, Duka 3, Nunez 3, Coloma 2, Defante 0, dela Cruz 0, Lauchengco 0, Romilla 0
San Beda (69) - Estacio 20, Alcantara 12, Pelipel 9, Coyoca 7, Sanchez 7, Ynot 5, Talampas 5, Valencia 4, Compolente 0, Llarena 0, Oliva 0
Quarterscores: 21-18; 34-33; 59-48; 72-69
(Ikalawang laro)
SSC (69)- Janao 22, Balo 12, Baclaan 10, Perez 8, dela Cruz 8, Are 4, Timbancaya 3, Solatorio 2, Bonalos 0, Cortes 0, Suico 0, Austria 0
LPU (68)- Barba 27, de Leon 14, Jugar 11, Gudmalin 7, Tulabut 4, de Guia 3, Omandac 2, Caringal 0, Dejelo 0, Nocal 0, Pagdanganan 0, Santos 0
Quarterscores: 11-17; 34-42; 53-57; 69-68