Muling ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) ang road reblocking at pagkukumpuni sa tatlong bahagi ng EDSA at lima pang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sinabi ni DPWH-NCR Director Melvin Navarro na sinimulan ang repair works bandang 11:00 kagabi (Hulyo 6) simula sa timog hanggang sa Arayat Street patungong Ignacio Diaz sa EDSA; mula sa harap ng Francesca Tower hanggang pagkatapos ng Scout Borromeo, third lane mula sa center island; at northbound mula sa Vertis North patungong Trinoma Mall, second lane mula sa sidewalk.

Gagawin din ang southbound direction ng Nagtahan Bridge Service Road, mula J. P. Laurel patungong Ampil Street; at ang northbound directions ng Batasan Road, mula Commonwealth Avenue patungong Kalinisan Street, first lane; A.H. Lacson Avenue, malapit sa Aragon Street; Congressional Avenue, bago ang kanto ng Jupiter Street, first lane; at Fairview Avenue, mula sa Mindanao Avenue Extension patungong Jordan Plains Subdivision, third lane.

Muling bubuksan sa motorista ang nasabing mga lansangan dakong 5:00 ng umaga sa Lunes, Hulyo 9.

Metro

Babaeng lulong sa online gambling, sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password

Dahil dito, pinapayuhan ng DPWH ang mga motorista na iwasan ang nabanggit na mga lugar.

-Mina Navarro