Sinisiyasat ng Parañaque City Police ang pagkamatay ng isang kagawad ng barangay, na natagpuang walang malay sa loob ng spa sa lungsod, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Dakong 2:30 ng madaling araw nang bawian ng buhay sa Ospital ng Parañaque si Wilfredo Dizon, nasa hustong gulang, at kagawad ng Barangay Bagong Tanyag, Taguig City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nadiskubreng walang malay ang biktima sa loob ng spa cubicle ng isang massage parlor sa Bgy. San Dionisio, Parañaque, bandang 2:00 ng madaling araw.

Kaagad na isinugod sa ospital si Dizon ng mga tauhan ng spa ngunit nalagutan ng hininga ang biktima habang nilalapatan ng lunas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Bella Gamotea