Aabot sa P1.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa umano’y tulak, sa buy-bust operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, nitong Lunes ng gabi.

Sa report ng Eastern Police District Office (EPDO), kinilala ang suspek na si Haimen Rangaig, nasa hustong gulang.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang naturang operasyon ay bunga ng naunang buy-bust operation sa kaparehong lugar kung saan narekober ang P680,000 halaga ng umano’y shabu noong Hunyo 11.

Si Rangaig ang itinurong supplier ng mga naarestong suspek.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Sabi pa ni Eleazar, si Rangaig ay miyembro ng Juharey Buratong drug syndicate na nag-o-operate sa Maynila at Pasig City.

Kakasuhan si Rangaig ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-FER TABOY at MARY ANN SANTIAGO