MAY advisory na ang GMA-7 na malapit nang magtapos ang The Cure, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Mark Herras, LJ Reyes, Jay Manalo at Jaclyn Jose, among others.

Jennylyn copy

Kaya pala sa takbo ng story ng epidemic drama, nakahanap na si Dr. Evangeline Lazaro (Jaclyn) ng cure sa Monkey Virus Disease.

Mahirap ang taping ng The Cure, dahil bukod sa mga drama scene, sina Jennylyn, Tom at Mark ay kinailangang mag-training para sa fight scenes nila. At least si Jay, sanay na sa action, habang more on drama naman ang mga eksena ni Jaclyn.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Mabuti na lang at sanay na ang katawan ni Jennylyn sa workout, kaya hindi na siya nabibigla. Kahit nga hectic ang schedule, nagwo-workout pa rin siya at kapag gahol sa oras, sa bahay na lang nagwo-workout ang aktres, kung saan may mga gamit siya para sa Pilates.

Anyway, ngayong matatapos na ang The Cure ay magagawa na ni Jennylyn ang pelikula niya sa Reality Entertainment, to be directed by Erik Matti. Hindi muna niya ginawa ang horror film para mag-concentrate sa The Cure. Excited pa naman siya sa pelikula, dahil first time niyang makakatrabaho si Direk Erik.

-NITZ MIRALLES