TSINEK namin ang Instagram (IG) ni Pia Wurtzbach, and in fairness, may nakita pa kaming photos nila ni Marlon Stockinger. Samantala, sa IG ni Marlon ay may isang picture na magkasama sila nin Pia na nakita naming.

Pia at Marlon

May balita kasing in-unfollow nina Pia at Marlon ang isa’t isa sa IG, at ang dating nito sa followers nila, may problema sa relasyon ang dalawa. Lagi nilang ginagawa ang i-unfollow ang bawat isa kapag on the rocks ang kanilang relasyon.

May nag-isip tuloy na baka nagselos si Marlon sa Super Junior member na si Simon Choi. Nanood kasi si Pia sa concert ng Korean boy band at in-acknowledge siya ni Simon. May picture pa silang magkasama after the concert.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang nang manalo si Pia as Miss Universe 2015 ay nabalitang sinabi ni Simon na crush niya si Pia.

Pero, nasanay na yata ang supporters nina Pia at Marlon sa away-bati nilang relasyon, dahil hindi na sila natataranta ngayon. Hihintayin na lang siguro nilang magkabati ang dalawa.

-NITZ MIRALLES