Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang inaresto sa anti-illegal drugs operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Valenzuela police acting chief, Sr. Supt. David Nicolas Poklay, kinilala ang mga inaresto na sina Erwin Joseph Bautista, alyas AJ, 33, ng No. 139 Paliwas, Obando, Bulacan; Marvic Joaquin, 33, ng No. 83 San Diego Street, Barangay Arkong Bato, Valenzuela City; at Leonardo Angelo Apolonio, 24, ng No. 192 Rosas St., Panghulo, Obando, Bulacan.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Police Community Precinct (5) sa Bgy. Arkong Bato, ‘di kalayuan sa bahay ni Joaquin, dakong 1:34 ng madaling araw.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pakete ng umano’y shabu, isang cal. 22, at isang motorsiklo.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag s a RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions).

-Orly L. Barcala