CLEVELAND (AP) — Sa ikalawang pagkakataon, tila wala nang babalikan si LeBron James sa Cavaliers.

PAMOSONG tanawin sa downtown Ohio ang higanteng poster ni LeBron James. (AP)

PAMOSONG tanawin sa downtown Ohio ang higanteng poster ni LeBron James.
(AP)

Ipinahayag ni Cleveland Cavaliers owner Dan Gilbert, ilang oras matapos pormal na ipahayag ni James ang paglipat sa Los Angeles Lakers, na ireretiro na niya ang jersey ng four-time NBA MVP.

Nanguna si Gilbert sa kritisismo kay James nang lisanin ng ‘D King’ ang Cleveland may walong taon na ang nakalilipas para maglaro sa Miami Heat kung saan nakamit niya ang dalawa sa tatlong NBA title. Ngunit, sa pagbabalik ni James noong 2015, walang patid ang pasasalamat ni Gilbert sa katuparan ng matagal nang minimithing tagumpay ng Cleveland.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Sa muling paglayas ni James matapos isantabi ang nalalabing isang taong kontrata para maging free agent, naging mapagpakumbaba si Gilbert at binigyan ng tribute si James.

“A championship that united generations of Clevelanders, both living and passed,” pahayag ni Gilbert sa kanyang media statement. “Virtually anyone with roots in Northeast Ohio paused and felt the memories of the past and the utter joy that the burden of the so-called ‘curse’ was finally a thing of the past. Cleveland, Ohio was the home of a championship team for the first time since 1964. Words do not express the meaning and the feeling this accomplishment brought to the people of Northeast Ohio.”

Iginiit ni Gilbert, na natupad ni James ang ipinangako sa kanya at sa mga tagahanga ng Cleveland na kampeonato.