LAST May 27, 2018 ay second time mag-guest ni Maine Mendoza sa fantasy adventure series na Daig Kayo Ng Lola Ko, para sa episode na “Laura Patola”. Sa nasabing episode, gumanap ang phenomenal star na mapagpatol sa mga nakakaaway niya bilang tigasing tricycle driver.

Maine copy copy

Nag-trending ang nasabing episode at within one hour, nakakuha ito ng more than one million tweets.

Kaya ang mga fans, nag-request ng isa pang episode ni Maine.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero hindi lang isa kundi four episodes ang ini-offer ng GMA Network kay Maine, at may title ngayong “The Adventures of Laura Patola & Duwen-ding”. Isa itong action-packed na weekly magical anthology every Sunday.

Nagpasalamat si Maine sa offer ng GMA, na alam niyang ikatutuwa ng mga fans dahil matagal na nilang hinihiling na mag-guest siya sa mga shows ng GMA 7, nang hindi siya sa Eat Bulaga lang napapanood.

Muling makakasama ni Maine si Baeby Baste bilang si Duwending.

Hindi ba nahirapan si Maine sa mga action scenes niya?

“Hindi po naman, kasi nagkaroon na rin naman ako ng trainings at workouts noon,” sagot ni Maine. “Ini-enjoy ko po naman ang mga eksena na ako ang nanununtok,” biro pa niya.

Dalawang araw na nag-taping si Maine. Sa una ay kasama niya sina Tina Paner, Michael Flores at Lucho Ayala. May eksena ngang sinapak niya si Lucho. Last Thursday naman kinunan ang chromic, na kasama niya si Baeby Baste sa Studio 7 ng GMA Annex building.

Simula na ngayong Linggo, July 1, ang four-part special ng adventure ni Laura Patola sa Daig Kayo Ng Lola Ko, na idinidirehe ni Rico Gutierrez, at mapapanood sa ganap na 6:55 ng gabi, sa GMA 7. (Nora V. Calderon)