MARAHIL ay walang tigil sa katutunog ang mga cell phone ng mga executives ng Star Cinema sa mga nagtatanong kung totoong tumawag sa kanila si John Lloyd Cruz dahil gusto na nitong bumalik sa trabaho, pero tinanggihan umano ang aktor.

John Lloyd copy copy

Nagsimula sa blind items sa sinasabing aktor na matagal na nagbakasyon na nami-miss na ang shooting at tapings.

Isa kami sa nangungulit sa Star Cinema executives tungkol dito, pero kahit isa sa kanila ay walang sumagot sa amin.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

At nitong Biyernes ay naglabas na ng official statement ang ABS-CBN, thru Corporate Communications Vice President, Kane Errol Choa.

“There is no truth to reports that John Lloyd Cruz approached ABS-CBN to request that he return to work, and that the network turned him down. John Lloyd is still on an indefinite leave to attend to personal matters.

“ABS-CBN values its strong relationship with John Lloyd built through the years. ABS-CBN’s doors are always open to John Lloyd, and he will always be a Kapamilya,” saad pa sa pahayag.

Sa tingin namin ay mukhang wala pa sa plano ni John Lloyd na bumalik sa trabaho, o tawagan ang kanyang TV network.

Lalo na ay muli na namang nabalita na nanganak na ang girlfriend niyang si Ellen Adarna ng isa umanong bouncing baby boy. Siguradong ang pag-aalaga muna sa anak ang gustong gawin ni Lloydie sa ngayon, sakaling totoo ngayong nagsilang na si Ellen. (Reggee Bonoan)