HINTAYIN natin kung sa pagkakataong ito ay makukumpirma na ang balitang kumalat sa social media na nanganak na raw si Ellen Adarna sa baby nila ni John Lloyd Cruz last June 27.

Ellen Adarna copy

Pinag-uusapan sa Twitter ang umano’y pagsisilang ni Ellen s a Chong Hua Hospital sa Cebu. May nakakita raw kay Elllen sa nasabing hospital at matatandaang, nakita rin siya sa Cebu a few weeks ago.

Pero m a s maganda pa rin kung hihintayin natin ang official announcement ni John Lloyd bago maniwala sa nasabing balita.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Dati na kasing nabalita noong Abril na nangangak si Ellen sa Singapore, at kumpleto pa nga ang detalye. Pero lumabas na fake news ito, dahil hindi pa nanganak that time si Ellen, batay na rin sa kumalat na litrato niya habang nasa beach at malaking-malaki ang baby bump.

Sumunod na nabalita na this June na nga raw due date ni Ellen. Ngayong Sabado ay last day na ng Hunyo at June 27 naman umano nanganak si Ellen.

Hintayin pa rin natin ang official announcement ni John Lloyd bago maniwala, at baka ma-fake news na naman ang publiko.

-Nitz Miralles