TAMA si Regine Velasquez na kung maraming concerts ang foreign artists, sumasabay ang local artists sa sunud-sunod na concerts. Bisitahin lang ang Instagram (IG) account ni Regine para sa schedule ng concert ng local artist. Mula Hulyo hanggang Setyembre ay sunud-sunod ang concerts ng mga favorite OPM artists.

The Clash copy

Si Regine nga, hindi lang nagpu-promote ng concert ng kapwa Filipino singers, naggi-guest din siya. Siya ang magiging guest sa concert ng Aegis sa Hulyo 15 sa Smart Araneta Coliseum. Naku, magiging maganda ito, biritan to the max.

Samantala, bilang host ng The Clash, ang singing competition ng GMA-7, kasama si Regine sa pipili ng susunod na singing champion ng network. Sa presscon kahapon, nalaman ang mechanics kung paano pipili ng singing champion na pasisikatin at susuportahan ng network. Kasama rin ni Regine sina director Bert de Leon, singer-composer Jay Durias at iconic OPM composer Vehnee Saturno.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Hulyo 7 ang pilot ng The Clash sa direksyon ni Louie Ignacio. Top 62 clashers ang ipinakilala sa presscon kahapon na napili mula sa nationwide audition.

-Nitz Miralles