NAKAKATUWANG malaman na unti-unti nang nakaka-move on si Heart Evangelista sa pagkawala ng kanyang baby girl.

Heart

Noong isang araw, naglabas siya ng statement na she’s okay at marami siyang na-realize nang mawala ang panganay sana nila ni Sen. Chiz Escudero.

Kasunod nito, in-open uli ni Heart ang Instagram niya, at ang maganda pang balita, she’s back to painting.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Art has always been a friend during difficult times. So I sat down and finally finished this piece. Channeling all my emotions into creative projects has me looking forward with a grateful heart...” post niya.

Maraming kaibigan sa showbiz ang nag-welcome kay Heart sa pagbabalik niya sa IG. Pati ang mga fans ng aktres ay nagdadasal at umaasang tuluyan nang mawawala ang lungkot sa puso ng aktres.

Anyway, nagtatanong ang fans ni Heart kung wala bang balak ang GMA-7 na bigyan na siya ng teleserye.

-NITZ MIRALLES